Indiscriminate opening up of the economy, demanded by the World Bank, International Monetary Fund, and World Trade Organization and imposed by compliant technocrats, has irreparably damaged our manufacturing and agriculture, resulting in loss of livelihoods and leaving large numbers of Filipinos with little choice but to go abroad to improve their lot.
We are caught in a vicious circle of underdevelopment, and unless we adopt truly radical measures, our downward spiral will gather speed.
Presidential candidate Leody de Guzman and I do not offer a superficial diagnosis of the causes of our national malaise and simply attribute all problems to corruption or bad governance or the weakening of our values as a people.
We offer no easy, deceptive solutions like “forge national unity” (Marcos-Duterte), “reinvigorate our values” (Leni), “reform government” (Lacson), or “abolish corruption” (Manny). These are slogans, not solutions.
There are sectors of the population—the ultra-rich—that will be hurt by the structural changes we propose, like a wealth tax and truly comprehensive agrarian reform.
There are powerful external forces, such as the big foreign banks, the US, and the European Union, that will not be pleased with the measures we propose to protect our economy from total ruin, such as ending the dumping of super cheap (because state-subsidized) foreign goods and stanching the massive outflow of much needed capital in the form of debt service payments.
There are very influential local and international business interests that want to keep wages low to extract even greater profits and prevent the more equal distribution of wealth that is not only an imperative of justice but also a precondition for the creation of a truly dynamic, prosperous national market. They will brand us as “reds.”
There are political dynasties that see government mainly as an institution to be plundered for private wealth accumulation rather than an agent of national development via planning and wealth redistribution. They will dismiss us as “enemies of the free market” or “promoters of a totalitarian state.”
Yes, the program we offer will hurt; there is no use denying that. But it will hurt the very few ultra-rich and ultra-powerful for the benefit of the vast majority. The interests of this handful of families contradict the interests of the Filipino people.
Finally, there are those that say the most urgent task is to prevent a Marcos-Duterte restoration. Yes, we agree that we must prevent the Marcos-Duterte axis of evil from coming to power. But the best way to do that is not by simply changing the yellow wrapper that covered up the discredited practices of the last 35 years of a failed elite democracy with a wrapper of another color—be this blue, green, white, or pink. That is a dead end.
The only way to prevent a desperate people from being seduced into going back to a nightmarish authoritarian past is by offering them a program that would make them participants in the creation of the future they deserve: a truly democratic Philippines.
So what is this program? In two words, Democratic Socialism.
In conclusion, comrades, the elections in May are not just regular elections. They are an electoral insurgency for Democratic Socialism. Win or lose, this Democratic Socialist insurgency will go on after the May elections and, indeed, become more intense.
Long live Socialism! Long live our common struggle!
Sa lahat ng bayan ng ASEAN, ang Pilipinas ay ang bansa na may pinakamataas na porsyento ng populasyon na nakabaon sa kahirapan. Ang di pagkapantay-pantay sa Pilipinas din ang pinakamataas sa rehiyon: mga 3 porsyento lang ng populasyon ang nag-aari at nag-kokontrol ng mahigit na 50 porsyento ng buong kayamanan ng bansa. Tayo pa rin ang itinuturing na “sick man of Asia.”
Nasira ang ating agrikultura at industriya ng todo-todong pagbubukas ng ating economiya na ipinilit ng World Bank, International Monetary Fund, at World Trade Organization at isinabatas ng mga masunuring teknokrata. Napakaraming trabaho ang nawala dahil dito at napilitang mag-abroad ang ating mga kababayan upang umasenso sa buhay. Tayo ay nakapaloob sa isang tinatawag na “vicious circle of underdevelopment” at pag hindi tayo gumawa ng mga tunay na radikal na hakbang, mapapabilis pa ang pagbagsak natin.
Kami ni Leody, Luke, at buong pangkat dito sa entablado ay hindi nagbibigay ng isang mababaw na diagnosis ng mga dahilan ng ating malubhang sakit bilang bansa—isang diagnosis na galing daw ang lahat na ito sa korapsiyon o sa maling pagpapatakbo ng pamahalaan o sa pagguho an ating mga prinsipyo.
Hindi kami naglalako ng mga madalihang solusyon gaya ng “magkaisa tayo” ng Marcos-Duterte tandem, “patibayin ulit ang ating prinsipyo” ng pangkat Robredo-Pangilinan, “reform government” ng team Lacson-Sotto, o “buwagin ang korapsyon” ng Pacquiao-Atienza. Ito ay mga slogan, hindi mga solusyon.
May mga sector sa ating lipunan—yung mga tinuturing “superrich” o sobrang yaman—na masasaktan ng mga reporma na itinutulak natin, gaya ng wealth tax o buwis sa kayamanan o gaya ng tunay at komprehensibong reporma agraryo.
May mga malalakas na pwersa gaya ng mga malalaking international banks, ang Estados Unidos, at ang European Union na hindi masisiyahan sa mga hakbang na isusulong natin upang maprotektahan ang enonomiya sa total na pagkasira, gaya ng pagtatapos ng todo todong pagpasok ng sobrang murang subsidized imports, at ng paghihinto ng pagtakas ng kapital sa porma ng katakot takot na bayad sa utang sa mga dayuhang bangko—kapital ng kailang-kailangan para sa paguunlad ng ekonomiya.
May mga maimpluwensiyang negosyiong lokal at dayuhan na gustong ipagpatuloy yung mababang sahod ng ating mga manggagawa upang dagdagan pa nila ang kita nila at sa gayon pigilan ang paglikha na mas pantay na paghahati ng kayamanan—isang kalagayang dinidikta hindi lang ng hustisiya sosyal kundi ang pangangailangan din ng isang masiglang at gumaganang national market. Sasabihin nila pulahan o komunista tayo.
May mga political dynasty na ang tingin sa pamahalaan ay isang bangko na dapat nakawan para sa paglolobo ng sariling bulsa nila at hindi isang instrumento para sa national development sa pamamagita ng planning o pagplaplano at sa mas pantay na pamamahagi ng yaman. Ilalarawan tayo bilang kaaway raw ng negosyo o mga ahente raw ng estadong kung saan walang karapatan ang indibidwal.
Totoo, may mga interes na masasaktan ng aming programa ni Ka Leody para sa kapakanan ng malawak na mayoria ng ating lipunan, pero ito ay yung napakakonting pamilya na may sobrang yaman at sobrang makapangyarihan. Hindi magkatugma ang interes ng mga ito sa interes ng sambayanang Pilipino.
Pero meron isang bagay na dapat nating sagutin. May mga nagsasabing ang pinakamalaking hamon ay ang pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos at Duterte. Sang ayon kami. Ngunit ang pinakamahusay na paraan nang makamit natin ito ay hindi sa pamamagita ng pagpapalit ng dilaw na pambalot ng mga pumalpak na pamamarahan ng nakaraang tatlumput limang taon sa pambalot na ibang kulay—azul, puti, berde, or rosas man ito. Ito ay isang dead end, isang daan na walang patutunguan.
Ang kaisa-isang paraan para masugpo ang pag-aakit sa isang desperadong bansa na bumalik sa nakaraang bangungot na diktadura ay ang pag-aalok sa ating mamamayan na maging kasama sa paglikha ng kinabukasan na nararapat para sa kanila: isang tunay na demokratikong Pilipinas.
Ano ang programang ito? Sa dalawang salita, Democratic Socialism or Sosyalismong Demokratiko.
Sa wakas, mga kasama at kababayan, itong hinaharap nating halalan ay hindi lang karaniwang halalan. Siya ay isang insurhensiyang electoral. Manalo man o hindi ang mga kandidato ng Laban ng Masa at Partido Lakas ng Masa, ang insurhensiya para sa Sosyalismong Demokratiko ay matutuloy at lolobo pa pagkatapos ng halalan.
Mabuhay ang Sosyalismo! Mabuhay tayong lahat!
Walden Bello
Click here to subscribe to ESSF newsletters in English and/or French.